BB Gandanghari kay Rustom Padilla: Napakasarap maging lalaki! 

HANGGANG ngayon tuloy pa rin ang pakikipaglaban ni BB Gandanghari para sa kanyang kaligayahan ay karapatan bilang isang transgender.

Matapos maglabas ng sama ng loob sa kanyang pamilya, lalo na sa kapatid na si Robin Padilla, nagkuwento naman si BB tungkol sa naging struggle niya nang mamatay si Rustom Padilla.

Ibinahagi niya sa madlang pipol ang mga na-experience niyang challenges nang ipanganak si BB Gandanghari.

Sa latest vlog niya sa YouTube, ang  “Mornings with BB.14,” inamin ni BB na kung bibigyan siya ng chance at ng choice, pipiliin pa rin daw niya ang maging tunay na lalaki. Aniya, napakasarap ng naging buhay noon ni Rustom Padilla.

 “Kung mayroon akong choice napakasarap maging lalaki kung tutuusin.

“Sinabi ko na ito noon. Nabuhay ako bilang lalaki that is why! That is why I love my life. That is why I embrace my life.

“Kasi, at least, may pros and cons ang buhay, kahit sabihin mo na hindi man ako nagkaroon ako ng teenager life as BB, pero nagkaroon naman ako pagkakataon na mabuhay na maging lalaki,” simulang pahayag ng utol ni Binoe.

Lahad ni BB, noong nabubuhay pa siya bilang si Rustom Padilla, never siyang naka-experience ng anumang klase ng diskriminasyon dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Palagi raw nabibigyan si Rustom ng maayos at marespetong pakikitungo kahit saan magpunta.

“At nakita ko at naramdaman ko na napakaiba, si Rustom bilang lalaki never naka-experience ng discrimination ‘yun, kahit saan magpuntang parte ng daigdig.

“Nu’ng una pumunta ‘yan sa Australia, because nagtatrabaho siya sa PAL so marami siyang…siyempre benefit namin ang bumiyahe ‘no. Vacation ito, hindi work, ah.

“Everyone were saying, ‘Naku, Australia, sobrang racist diyan, discriminatory sila sa Asian, everything.

“Si Rustom hindi nakaranas ng ganu’n, kahit saan siya magpunta kinakausap siya nang maayos ng mga kausap niya,” pahayag pa ni BB.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko alam kung sa pagiging lalaki niya ba ‘yun. And even dito sa LA, when he was here in 2002, grabe, para siyang magnet sa tao.

“Hindi ito sa pang-Pilipino, nag-aaral siya sa UCLA ng film. Grabe ang mga barkada nu’n,” dugtong ng dating aktor.

Naramdaman niya ang biglang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ng mga tao nang ipakilala na niya si BB Gandanghari sa buong universe.

 “Kaya nakita ko ‘yung pagkakaiba when I transitioned and started assimilating in the society as I am, grabe!

“Ngayon, ignored. Kaya ‘yun ‘yung sinasabi ko…especially so na hindi yan nangyari ever. Wala sa kulay, wala sa pagka-Filipino ang racism, di ba?” pahayag pa ni BB.

Kaya naman ang palagi niyang ipinagdarasal gabi-gabi, “Kaya even then my prayer was if this my truth. Please Lord help me embrace it.”

Read more...