Apela ng solon bawas tuition, donasyong laptop para sa mahirap na estudyante

ALFRED VARGAS

UMAPELA si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa mga pribadong paaralan na bawasan ang matrikula para sa Academic Year 2020-21.

Kasabay nito ay hiniling din in Vargas sa iba’t ibang organisasyon na mag-donate ng mga laptop para sa mga mahihirap na estudyante upang maging madali sa mga ito ang pagsali sa online learning na ipatutupad sa new normal na dala ng coronavirus disease 2019.

“All hands on deck for our children’s education!” ani Vargas sa isang pahayag.

“There are strong bases for private schools to lower their tuition fees.  For one, they will have lower utilities expenses as consumption for water and electricity will definitely go down.  For another, maintenance expenses will likewise be reduced.  Finally, due consideration must be given to parents who might have to contend with reduced incomes while trying to manage their family’s budget in order to purchase a computer for their children’s on-line learning sessions.  Parent associations of private schools are worried over this,” ani Vargas.

Umapela rin ang solon sa mga paaralan na huwag bawasan ang sahod ng mga guro at kanilang administrative staff.

Sinabi ni Vargas na may papel din na maaaring gampanan ang Technical Education and Skills Development Authority upang matulungan ang mga mag-aaral sa online learning.

Maaari umano itong tumanggap ng mga lumang laptop na kukumpunin upang magamit pa ang mga mahihirap na estudyante.

“For computers or laptops that may be repaired or upgraded, perhaps TESDA may be commissioned to identify TESDA-schools and computer technicians that can make these equipment functional,” dagdag pa ni Vargas.

“As they say, the children are our future.  We can never go wrong if we invest in their education.”

Read more...