outbrain

6 huli sa shabu

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

6 huli sa shabu

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

ARESTADO ang anim na suspek sa magkakahiwalay na police operation sa Quezon City.

Nahuli ng Masambong Police sa buy-bust operation sina Lord Tarnate, 38, at Eulogio Esconde, 51, alas-745 ng gabi sa Caragay st., Brgy. Damayan. Nakumpiska umano sa mga suspek ang limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Nasakote naman ng Fairview Police sina Joseph Logronio, 46, at John Felix Enrique, 19, alas-5 ng hapon sa Ilang-ilang st., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik. Narekober umano sa kanila ang P34,000 halaga ng shabu.

Kamuning Police naman ang humuli kay Mark Anthony Casas, 25, ng Cainta, Rizal, ala-1:45 ng umaga kanina sa Roces Ave., kanto ng Santiago st., Brgy. Obrero.

Nakabili umano ang poseur buyer sa kanya ng P8,000 halaga ng shabu at nang maaresto ay nakuhanan pa ito ng P68,000 halaga ng shabu.

Naaresto naman ng Galas Police si Ronel Espraguera, 22, ng Brgy. Holy Spirit, alas- 9:30 ng umaga kanina sa Landargon st., Brgy Doña Imelda. Isang sachet umano ang narekober sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending