SWAK sa selda ang 54-anyos na taxi driver na wanted sa kasong panggagahasa sa Quezon City.
Si Ronald Rabanes, ng Tagupo st., Brgy. Tatalon, Quezon City, ay no. 8 most wanted ng Quezon City Police.
Siya ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Primo Sio Jr., presiding judge ng Regional Trial Court ng Quezon City Branch 96.
Walang piyansa na inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Siya ay hinuli alas-6:45 ng gabi sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.
MOST READ
LATEST STORIES