Corporate responsibility bill inaprubahan ng Kamara

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang Corporate Social Responsibility Act upang hikayatin ang pribadong korporasyon na tumulong sa nangangailangang publiko.

Sa botong 209-0 at walang abstain, inaprubahan ang House bill 6137.

Ang mga CSR-related activities na maaaring gawin ng korporasyon ay pagkakaroon ng charitable projects at programs, scientific research, youth and sports development, cultural o education promotion, serbisyo sa beterano at senior citizens, social welfare, environmental sustainability, health development, disaster relief and assistance at employee and worker welfare CSR-related activities.

Aamyendahan ng panukala ang Revised Corporation Code of the Philippines (Republic Act No. 11232) upang makasama ang CSR sa maaaring pondohan ng isang stock corporation.

Ikinatuwa naman nina House Deputy Speaker at 1Pacman Rep. Mikee Romero at House Committee on Labor and Employment chairman Enrico Pineda ang pag-apruba sa kanilang panukala.

“Plowing back corporate resources to communities, especially those underserved by the government, would help cure the deficit in state spending in areas that cry out for development,” ani Romero.

Sinabi ni Romero na sa panahon ng coronavirus disease 2019 ay nakita ang pagtulong ng mga malalaking kompanya sa lipunan.

“Majority, if not all, of the country’s leading corporations have demonstrated sincere social responsibility concern especially by contributing much needed PPE’s (personal protection equipment) for the medical frontliners and by financing testing centers,” ani Romero.

Kikilalanin at pararangalan ng Department of Trade and Industry ang mga kompanya na makagagawa ng “outstanding, innovative and world-class CSR-Related services, projects and programs”.

Read more...