P11.7B para sa contact tracer gamitin naman sa expanded COVID testing

COVID testing center

SA halip na gastusin ang P11.7 bilyong pondo sa pagkuha ng contact tracers, iminungkahi ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., na ang mga barangay health workers na lamang ang pagtrabahuhin ng gobyerno.

Ayon kay Garbin bagamat maganda ang intensyon ng programa na mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga nawalan ng hanapbuhay, ang pagiging contact tracer ay mas magagawa umano ng mas maayos ng mga BHW.

“While the intention is noble, however, this function can be carried out more effectively by the barangay officials and BHWs. The barangay officials and the Barangay health workers already know who the subjects to be monitored are, they are already in the vicinity,” ani Garbin. “It would be unwise to expect someone residing in a different locality to monitor strangers.”

Ang pera umanong ipampapasahod sa kukuning contact tracers ay gamitin na lamang sa pagsasagawa ng enhanced targeted COVID-19 testing.

“On the financial side, we should also consider the risks of a contact tracer, we have to provide them with PPEs which are already provided to the barangay officials and Barangay health workers and we want to conserve our resources for essential use.”

“The money to be used in hiring the tracers and equipping them with the necessary PPEs can be properly allocated to the much needed Enhance Targeted testing.”

Ayon kay Finance Sec. Sonny Dominguez kukunin ng gobyerno ang mga naalis sa trabaho bilang mga contact tracers at pasusuwelduhin ang mga ito ng P30,000 kada buwan sa loob ng tatlong buwan.

3

Read more...