MAGLALAWAY ka hindi lang sa dala nilang pagkain, pati sa muscle na ipe-flex nila sa harap mo.
Sumisikat ang bagong food delivery service sa Nagoya, Japan dahil sa kanilang mga delivery boys–mga nakahubad na lalaking maghahatid ng order mong sushi sa mismong bahay mo.
Pakana ang Vber Macho ni Masanori Sugiura, ang presidente ng Aichi Prefecture-based catering company Withwin at third-generation owner ng high-class sushi restaurant na Imazushi.
Mahilig sumali si Sugiura sa mga bodybuilding contests kaya naisipan niyang pagsamahin ang kanyang love for food and muscle.
Mayroong anim na machong-machong delivery boys ang nasabing food delivery service, kasama na si Sugiura.
Pawang mga beterano sa bodybuilding ang lima na nakilala at naging kaibigan ni Suguira sa kanyang mga bodybuilding stints.
Pagdating sa iyong pinto ay nakasuot ang delivery boy ng Japanese happi coats, ang traditional na Japanese culinary attire, para madali raw hubarin.
Hindi rin daw mahihiyang mag-flex ng muscle si delivery boy dahil bodybuilding pro ito. Siyempre rin, libre ang selfie kasama siya.
Pwedeng mag-order ng one-person bento boxed lunches, sushi sets, at multi-item party platters sa Vber Macho.
Yummy ‘di ba?