MAS mahalaga umanong pag-usapan sa Kamara de Representantes kung papaano matutulungan ang mga naapektuhan ng coronavirus disease 2019 kaysa sa Charter change.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano mas makabubuti rin na iwasang talakayin sa Kamara ang mga isyu na maghahati-hati sa mga mambabatas dahil kailangan ang pagkakaisa ngayon para malagpasan ang pandemya.
“Unfortunately, we’re running out of time that’s why kailangan naming bilisan yung isa yung CURES. Ito magandang bill ito, it deals with mga construction na kayang gawin kaagad so maraming magkakatrabaho dito,” ani Cayetano na ang tinutukoy ay ang COVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus.
Sinabi ni Cayetano na kailangang hanapin ang pinakamabisang paraan para makabangon kaagad ang ekonomiya.
Pero hindi umano sasabihan ni Cayetano ang mga nagsusulong ng Chacha na tumigil.
“Yung stimulus bill kasi nga nadapa yung ekonomiya natin, yung ChaCha, hindi namin inaalis yun, pero as I’ve said, anything controversial na maghahati-hati tayo. Like today, pag sinabi ko sa inyo priority yan, magdedebate kami the whole week doon sa foreign ownership, doon term limits etcetera na dapat ang pinag-uusapan natin, how to avoid the second wave, how to reopen businesses, how to make sure na hindi ma-bankrupt ang mga local government, paano makatulong. For me, anything that maghahati-hati tayo, if we can postpone that, let’s postpone it muna.”
Sinabi ni Cayetano na makatutulong ang Chacha para gumanda ang buhay sa bansa pero hindi umano ito ang panahon para pag-usapan ito.
“I am not telling the department what to do. Kung tingin nila part of their advocacy yan, I respect that. I am not telling the advocacy groups to stop, kasi makakatulong talaga ang structural reforms at federalism sa ating bansa. What I am saying is that sobrang urgent yung lives and livelihood. Sobrang urgent nung adapt, innovate, and manage. Wala tayong pag-uusapan kung mamamatay ang mga tao o mamamatay ang ekonomiya natin. Ako I’d rather concentrate on that.