IKINATUWA ng EcoWaste Coalition ang pag-phase out ng dental fillings na may mercury.
Pinirmahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang DOH Administrative Order No. 2020-0020 o ang “Guidelines on the Phase-Out of Mercury Use in Dental Restorative Procedures” noong Mayo 14 alinsunod sa Universal Health Care Act at Minamata Convention on Mercury upang limitahan ang paggamit ng mercury sa bansa.
Dahil dito ay hindi na maaaring gumamit ng dental amalgam tatlong taon matapos maging epektibo ang utos.
Ipinagbabawal ng polisiya ang importasyon ng dental amalgam para sa dental restorative procedures at ipinagbabawal ang paggamit nito sa mga batang edad 14 pababa, buntis at breastfeeding mothers.
“DOH A.O. 2020-0020 sets a clear path to the country’s transition to mercury-free dentistry. We laud its development in consultation with stakeholders and its eventual adoption as a milestone in the implementation of the Minamata Convention in the Philippines despite the country’s long-overdue ratification of this treaty,” ani Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste.
Sa loob ng tatlong taon ay unti-unting ipi-phase out ang mga dental amalgam.
Lahat ng dental amalgam waste ay kokolektahin at itatapon alinsunod sa tamang proseso ng pagtatapon ng mercury, isang toxic chemicals na mapanganib sa kalusugan.