SWS: Walang makain dumami

TUMAAS ang bilang ng mga pamilya na walang makain sa nakalipas na tatlong buwan ayon sa survey ng Social Weather Station.

Naitala ito sa 16.7 porsyento o 4.2 milyong pamilya ang pinakamataas sa panahon ni Pangulong Duterte at mula noong Disyembre 2014 (17.2 porsyento).

Ang naitala sa survey noong Mayo ay halos doble ng 8.8 porsyento na naitala noong Disyembre 2019

Sa 16.7 porsyento, 13.9 porsyento ang nakaranas na walang makain ng ilang beses at 2.8 porsyento naman ang nakaranas nito ng madalas.

Nakaranas naman na mabigyan ng pagkain ang 99 porsyento. Pinakamarami ang nakatanggap ng food relief mula sa gobyerno (99 porsyento) na sinundan ng bigay ng mga kamag-anak (22 porsyento), pribadong institusyon o grupo gaya ng simbahan ng non-government organization (16 porsyento), kaibigan (10 porsyento) at pribadong indibidwal (8 porsyento).

Ginawa ang survey sa pamamagitan ng mobile phone and computer assisted telephone interviewing (CATI). Umabot sa 4,010 ang respondents– 294 sa National Capital Region, 1,645 sa iba pang bahagi ng Luzon, 792 sa Visayas, at 1,279 sa Mindanao.

“The area estimates were weighted by the Philippine Statistics Authority medium-population projections for 2020 to obtain the national estimates,” saad ng SWS.

May error of margin ito na plus/minus 2 porsyento.

Read more...