TRENDING at hot topic ngayon sa social media ang video ng limang American young girls dahil sa panggagaya nila sa SB19.
Viral na sa social media ang ginawang video ng limang kabataang babae mula sa Amerika na nagpakilalang The TORCH Sisters.
Mapapanood sa video ang sing and dance cover nila ng “Go Up”, ang hit song ng sikat na sikat nang P-Pop group na SB19.
In fairness, talagang inaral ng mga girls ang kanta at choreography nina Sejun, Josh, Stell, Ken at Justin.
Nag-effort din sila sa pagsasalita ng Tagalog dahil kuhang-kuha nila ang tamang pagbigkas ng bawat Filipino words sa kanta.
Ayon sa TORCH Sisters, ginawa nila ang video para makapagbigay ng good vibes at inspirasyon sa mga kabataan ngayong may COVID-19 pandemic.
Anila, na-inspire sila sa kanta ng SB19 at naniwala na walang imposible sa mga taong nangangarap at nagpupursige sa buhay.
“The TORCH sisters are singing in Tagalog! During this time with the coronavirus, we can still have hope! This song inspires us that nothing is impossible,” mensahe ng grupo.
Dagdag pa nila, “This world is getting crazier! But as we have faith and hope, we can reach the impossible!
“We’re gonna go up! God can help us look up even in times of hardship.”
Libu-libong views, likes at comments na ang nahamig ng nasabing video sa YouTube at halos lahat sila ay nagsabing naaliw at napasayaw din sila sa paandar at pasabog ng The TORCH Sisters.
Siyempre, tuwang-tuwa naman ang mga fans and social media followers ng SB19 dahil talagang pang-international na talaga ang kanilang kasikatan.