ISANG lalaki umano ang nag-collapse at namatay habang nagbibisikleta sa EDSA Makati City kanina.
Ipinost ni Metro Manila Development Authority (MMDA) special traffic and transport zone head Bong Nebrija ang litrato ng lalaking nag-collapse sa southbound lane sa Magallanes.
“I received info that said biker was pronounced Dead On Arrival at Makati Med. Rest In Peace Ka-padyak,” ani Nebrija sa kanyang social media post.
Ang pagbibisikleta ay isa sa nakikita na alternatibong paraan ng pagbiyahe sa New Normal na dala ng coronavirus disease 2019.
“To all fellow bikers out there please make sure you’re fit enough to endure the distance and heat while pedaling to work,” dagdag ng MMDA officials.
MOST READ
LATEST STORIES