NAGBIGAY na ng mid-year bonus at cash gift ang Navotas City.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco nagkakahalaga ng P22.7 milyon ang ginugol ng lokal na pamahalaan para rito.
“Sa gitna ng pandemya ng COVID-19, hangad nating matulungan ang ating mga empleyado at kanilang pamilya para magkaroon sila ng pinansyal na seguridad at matugunan ang kanilang pangangailangan. Nawa’y makatutulong ang bonus na kanilang natanggap sa pagharap nila sa krisis na ito,” ani Tiangco sa isang social media post.
Ang lungsod ay mayroong 534 regular na empleyado na tumanggap ng bonus na kasing halaga ng kanilang isang buwang sahod samantalang ang 1,175 contract of service at job order ay binigyan ng P6,000 cash gift bawat isa.
MOST READ
LATEST STORIES