BB sa fake news: Walang may karapatang maglabas ng untold story ni Rustom, excuse me!

“TANGGALIN n’yo yan!” 

Ito ang sigaw ni BB Gandanghari sa lahat ng mga vloggers na nagpo-post ng mga video sa YouTube tungkol sa “untold story” ni Rustom Padilla.

Tinawag na fake news ng dating aktor ang mga content sa YouTube na nagsasabing mapapanood dito ang mga kuwento tungkol kay Rustom na hindi pa alam ng madlang pipol.

Naglipana kasi ngayon ang mga YouTuber na nagnanakaw ng content mula sa ibang account at ipino-post sa kanilang channel para tumaas ang kanilang subscribers at pageviews.

Ayon kay BB, nakarating sa kanya na may mga YT channel ang nagke-claim na may video sila about the untold story of Rustom Padilla.

“Ngayon may mga naglalabas ng ‘untold story,’ excuse me… Can you please take that down?

“Ang mga title ninyo, ha. Wala kayong karapatan. Walang may karapatang magsabi ng untold story ni Rustom Padilla, excuse me… well, official,” ang pahayag ni BB sa kanyang latest vlog.

Aniya, siya lang ang may karapatang maglabas ng totoong kuwento ng buhay ni Rustom dahil siya lang ang nakakaalam sa lahat ng mga pinagdaanan sa buhay ng dating aktor.

 “May nagsabi ng untold story ni Rustom from another source… that’s fake news!” hirit pa ng kapatid ni Robin Padilla.

Pwedeng-pwedeng maging anti-fake news advocate si BB dahil ilang beses na siyang nabiktima nito. Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang balitang patay na siya.

Sa Facebook, may nag-post ng balita na may headline na, “BB Gandang Hari o Rustom Padilla Natagpunag Patay Sa Kanyang Apartment.” 

Bukod dito, ini-report din ni BB  sa administrators ng Facebook ang mga fake account na gumagamit sa pangalan niya.

“Sabi nu’ng Facebook na ano na raw iyon, na-report na yung hindi talaga mga BB Gandanghari, yung mga trolls.

“Can you please help me with the Twitter also? Yung BB Gandanghari sa Twitter is not me. Hindi ako ‘yan.

“Hindi ko na nga alam kung ano ako sa Twitter account ko, pero definitely hindi ako yung BB Gandanghari do’n,” aniya pa.

“At least people are aware now that there is indeed fake news, okay. Chismis in other words…Kaya ang Pilipino masyadong susceptible sa fake news kasi mahilig nga tayo sa chismis.

“But what’s good with this platform, with this YouTube, everything, every platform that we have, nasa sa ‘yo na ‘yan how to deal with this,” aniya pa.

Pero ayon kay BB, mahirap pa rin talagang pigilan ang pagkalat ng fake news, “So, hindi natin maiiwasan ‘yan. So, sa mga tao na lang talaga na concerned, you know where to find me.”

Read more...