Julie Anne kay Bitoy: Wow! Sobrang lodi, grabe! 

HAPPY at proud si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa patuloy na tagumpay ng award-winning family sitcom ng GMA 7 na Pepito Manaloto. 

Nito lang Marso ay pinagdiwang ng programa ang ika-10 anibersaryo nito at nagpapasalamat nga si Julie Anne na naging bahagi siya ng isang dekadang pagpapasaya ng Pepito Manaloto sa mga Filipino.

Gumaganap dito si Julie bilang Nikki na ex-girlfriend ng anak ni Pepito (Michael V.) na si Chito (Jake Vargas). In fairness, buhay na buhay pa rin ang fans nila ni Jake at hanggang ngayon at talagang may kilig pa rin ang kanilang tambalan.

“I’m very happy with Pepito Manaloto and sobrang promising po ‘yung show and, siyempre, hindi lang siya nakakatawa, nandun lahat ng emotions, e. 

“Parang naging roller coaster ‘yung emotions sa Pepito Manaloto, when it comes to like script,” pahayag ng Kapuso singer-actress.

Malaki rin ang paghanga ng dalaga sa multi-awarded comedian na si Bitoy na parte rin ng creative team ng top-rating Kapuso program. 

“Sobrang talino ng writers, si Kuya Bitoy, sobrang like, wow, sobrang lodi, grabe! Siyempre, sa lahat ng bumubuo ng Pepito Manaloto, sobrang thankful kasi award-winning show,” dagdag pa niya. 

Ayon kay Julie, napakarami nang pinagdaan ng kanyang karakter sa programa maging ng tambalan nila ni Jake at looking forward siya sa mas mahaba pang panahong pagsasama-sama ng Pepito Manaloto family.

* * *

Kahit nasa bahay, pwede mo pa ring ma-enjoy ang summer dahil tuloy-tuloy ang food trip ni Kara sa La Union!  

Sa part two ng La Union Summer get-away ng Pinas Sarap ngayong Huwebes ng gabi, tikman ang kakaibang tamis ng mga pagkaing gawa sa pulot pukyutan o “honey”, pati na rin ang mga putahe na iniluto sa kawayan.

Matamis at kulay ginto. Ito ang yaman ng bayan ng Bacnotan–ang pulot pukyutan o honey! Dahil sagana sila sa pulot pukyutan, ang ilan sa kanilang mga putahe mas pinasarap ng tamis ng honey gaya ng Chuletas, Grilled Chicken with Honey, at Eggplant Mushroom Tornado with Honey.

Sa bayan naman ng Pugo, ang kanilang mga pagkain iniluluto nila sa tradisyunal na paraan: ang paggamit ng tubong o kawayan. Taun-taon, inaabangan ng bawat barangay sa Pugo ang Tinungbo Cooking Contest na highlight ng kanilang fiesta. 

Tikman ang winning dishes ngayong taon: ang Tinungbo na Kenemelan, Tinungbo na Dinengdeng, Tinungbo na Karne o Ambangonan Express, at Tinungbo na Kankanan.

Ngayong gabi na yan sa Pinas Sarap, 8 p.m. sa GMA News TV. 

 

Read more...