Lalaki pinadalhan ng truck ng sibuyas ng ex-GF: ‘Ikaw naman umiyak’

MATAPOS siyang i-break ilang araw bago ang Chinese Valentine’s Day, pinadalhan ng isang truck ng sibuyas ng babae ang kanyang “talipandas” na boyfriend para ito naman daw ang umiyak.

Binili ng babae, na taga-Shandong province, ang mga sibuyas online at ipinadeliber sa bahay ng kanyang ex-jowa.

Ayon sa ulat, ibinagsak lamang ng mga nagdeliber ang mga sibuyas sa harap ng pinto saka umalis.

“I cried for three days, and now it’s your turn!” ang mababasa sa note na isinulat ng babae at iniwan sa ibabaw ng mga sibuyas.

Sinabi ng babae, na may apelidong Zhao, na mag-iisang taon nacsilang magkasintahan nang bigla siyang i-break ng lalaki.

“It caused me a lot of pain, but he refused to cry!” ani Zhao kaya nagdesisyon siyang bumawi kay ex.

“Money is nothing. But the feelings between two people are precious. I can’t be the only one crying,” dagdag niya.

Sinabi naman ng lalaki na “OA” masyado ang reaksyon ng ex-GF niya sa kanilang break-up.

May tatlong Valentine’s Day sa China, isa Pebrero 14,  ikalawa ay sa Hulyo base sa Chinese Lunar calendar, at ikatlo sa Mayo 20.

Read more...