Chacha move sa Kamara tigil na

Kamara

IBINASURA na sa Kamara de Representantes ang hakbang na amyendahan ang 1987 Constitution.

Naniniwala si House committee on constitutional amendment chairman at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na aaprubahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang kanyang rekomendasyon.

“I am inclined to recommend to the Speaker that we shelve Cha-cha indefinitely so we can focus on measures to fight this pandemic, help our affected people and prepare the nation for post-lockdown and post-coronavirus disease, or the new-normal life,” ani Rodriguez.

Sinuspendi na umano ni Rodriguez ang konsiderasyon sa anumang panukala kaugnay ng Charter change.

Ginawa ni Rodriguez ang pahayag sa gitna ng mga ulat na may mga opisyal ng lokal na pamahalaan at iba pang suporter ng Chacha na may kaugnayan sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang nangangalap ngayon ng pirma pabor sa pagbabago sa Saligang Batas.

“This is not the time for the DILG and its allies to relaunch their signature drive and renew their push for Cha-cha. They should postpone it until this health crisis is over,” ani Rodriguez.

Iginiit ni Rodriguez na hindi makatwiran na bigyan ng prayoridad ang Chacha habang maraming tao ang naghihirap dala ng epekto ng COVID-19.

“Cha-cha can wait. We will first have to attend to measures that will save lives and the livelihood of our people,” dagdag pa ni Rodriguez. “ So my message to Cha-cha advocates and their DILG patrons is: stop it, it won’t fly while there is a pandemic.”

Read more...