Nainitan sa suot na PPE, nurse nagpasilip, rumampa sa ospital na nakabikini

ISANG nurse sa Russia ang pinagalitan matapos mag-viral ang larawan niya na nakasuot ng personal protective equipment habang nag-checheck ng mga pasyente.

Ang naging problema kasi ay nakabikini lamang siya sa loob at dahil see-through ang kaniyang PPE ay kitang kita ito ng lahat  ng pasyente.

Ayon sa local news sa Tula, Russia nagbikini lamang ang nurse dahil sobrang init daw ng mga PPE na pinapasuot sa kanila bilang pag-iingat laban sa coronavirus disease.

Sa mga nainterview na pasyente, wala namang problema sa kanila ito.

Hindi naman natuwa ang health department naman kaya binigyan nila ng formal reprimand ang nurse sa paglabag sa dress code.

 

Read more...