Pagkain ng paniki bawal na sa Wuhan

BAWAL nang kumain ng mga wild animals, gaya ng paniki at buwaya, sa Wuhan, ang siyudad sa China na pinaniniwalaang pinagmulan ng Covid-19.

Ayon sa ulat, nagpalabas ng notice ng pamahalaang panglunsod ng Wuhan noong Mayo 13 na nagbabawal sa pag-aalaga, pagbebenta, pagdadala at pagbibiyahe ng daga, paniki, ahas, buwaya, porcupine, pangolin, alamid, lobo o wolf, at higanteng salamander.

Ipinagbabawal na rin ang pagkain ng mga ito na, ayon sa mga eksperto, ang naging ugat ng virus outbreak.

Tatagal ang ban ng limang taon.

Sinabi ng scientists sa China na naisalin umano ang virus sa mga tao mula sa mga hayop na ibinebenta sa palengke sa siyudad.

Agad namang isinara ang Huanan Seafood Wholesale Market sa kasagsagan ng pagkalat ng sakit. Umabot sa mahigit 4,600 ang nasawi sa 82,965 katao na tinamaan ng Covid-19 sa China.

Read more...