KINONTRA ng singer-comedienne na si Gladys Guevarra ang ilang kapwa celebrities na nagsabing kailangan na ng COVID-19 mass testing sa bansa.
Kung ang gusto nina Angel Locsin, Atom Araullo at iba pang kilalang personalidad ay magsagawa na ang gobyerno ng malawakang COVID test bilang isa sa mga paraan ng pagsugpo sa virus, iba naman ang pananaw ng komedyana.
Para sa dating Eat Bulaga host, hindi ang mass testing ang susugpo sa killer virus kundi vaccine. At sa halip daw na gumastos ng bilyun-bilyon ang pamahalaan para rito, mas mabuting ilaan na lamang ang budget sa mga nagugutom at nawalan ng trabaho.
Narito ang kabuuan ng Facebook status ni Gladys hinggil sa isyu ng mass testing na sinang-ayunan naman ng maraming netizens.
“Andaming artistang umaapila ng MASS TESTING.
“Opinyon ko to ha? Pwede mo ko sagutin kung mali ako. Naisip ko lang naman din,” simulang pahayag ng komedyana.
“Ano ba kase ang magagawa rin ng Mass testing? Matanong ko lang. eh kahit mag Mass testing, kung wala pa naiimbentong Vaccine, ano gagawin? Isusupot yung mga infected?
“I mean, diba? Ite-test mo lahat, para ano? Para lang malaman sino na mga infected? hala!
“Eh yung mga 1st world country nga di maapula yang lintek na virus na yan. Eh ano nga ang gagawin nila???? Diba? Ikaw palagay mo?” aniya pa.
Pagpapatuloy pa ni Gladys, “Baka ba pag nalaman natin kung sino mga infected, pwede na lumabas, tapos ihiwalay yung mga pila at nakalagay . . . Pila ng mga Infected at Pila ng hindi infected. Ganire ba?
“At pag nagpa MASS TESTING, maglalabas ulit ng malaking halaga ang gobyerno para sa kits? At maghihintay tayo ng matagal sa results?
“Imbes na yang pondo nakakatulong ngayon sa pagkain sa pangkalahatan, lalo mas mga nangangailangan? Diba?
“Gets nyo? Ako di ko gets. Kaya ko i-gets, pero parang d ko ma-gets. Gets?” lahad pa ni Gladys Guevarra.
Kamakailan, naglunsad si Angel ng bagong fundraiser para makatulong sa pagsasagawa ng mass testing.
“We humbly reach out again. These are hard times, truly frightening times for the Filipino people, especially with corona virus cases still on the rise. Many have been doing their part in trying to give hope or just to make each day easier for those who are in need.
“And the hard truth is they will remain in need as COVID-19 remains the invisible enemy amongst us changing our lives and sadly disrupting livelihoods.
“This time, with the funds we raise, we would like to purchase test kits and allow testing opportunities for the poorer sectors in the hopes of helping out in the efforts to provide mass testing in the country.
“Yes, in support of mass testing. Because in this way we can make a higher impact, by pushing the TEST-TRACE-ISOLATE/TREAT formula that is the only proven way to defeat the virus,” mensahe ng Kapamilya actress.