KAHIT isang certified Kapuso na, suportado pa rin ni John Estrada ang ABS-CBN, na 20 taon din niyang naging tahanan.
Isa si John sa mga artista ng GMA na nagpakita rin ng malasakit at pangamba sa biglaang pagsasara ng ABS-CBN dahil na rin sa cease and desist order ng NTC.
Sa isa niyang Instagram post, sinabi ng aktor na nalungkot at naapektuhan din siya sa sinapit ng Kapamilya Network at nagdarasal din siya para makabalik na uli ito sa ere.
“Twenty-plus years akong nag-work sa network na ito. Napakalaki ng utang na loob ko sa ABS-CBN.
“Marami akong naging kaibigan at kaibigan ko pa rin hanggang ngayon kahit nasa GMA ako ngayon. Mula sa bosses, artista, direktor, production staff, cameramen, at lalong lalo na ang utility men sa network na ito,” mensahe ni John.
Dagdag pa niya, “Isa ako sa mga nananalangin na mabigyan kaagad ng prangkisa ang network na ito. dahil alam kong napakaraming tao ang mawawalan ng trabaho.”
Ang huling show ni John sa ABS-CBN ay ang “The Good Son” nina Joshua Garcia, McCoy de Leon at Nash Aguas.
Samantala, dahil sa lockdown mas nakakapag-bonding na ngayon ang pamilya ni John, of course with his daughter Anechka at asawang si Priscilla Mierelles.
“Now that we have all the time in the world, me and Pri excercise everyday. We do a 15-minute full body workout from YouTube. We run, walk, bike, we clean our house. All of that,” ani John sa isang panayam.
“We play board games with our daughter. We watch movies and we read a lot of books with her, play sports, at kung anu-ano pa.
“You know, when somebody’s bored that’s when somebody realizes how precious life is, what’s really essential in somebody’s life,” dagdag ng aktor.
Tungkol naman sa mga realization niya ngayong may health crisis, “It taught me a lot. First is that life can just end in a flick of a finger. Me and Derek (Ramsey) were just chatting with Tito Menggie (Cobarrubias) few days before he passed and I didn’t even know that he was that sick.
“We belong to a celeb golfers chatroom and all of a sudden somebody just messaged us saying that Tito Menggie just died and it shocked me,” pahayag ni John.
“This is a very scary disease (COVID-19). I’m scared for my mom and, of course, for my wife, my kids.
“Getting old is really a privilege nowadays. You really have to treasure every single day. Make the best out of it,” aniya pa.