SINASABOTAHE si Lovi Poe!
Yan ang sigaw ng Kapuso actress nang malaman ang laman ng mga natanggap niyang regalo kamakailan.
“Medyo nakakahalata na ako guys ha!” ang unang pahayag ni Lovi sa kanyang Instagram Stories.
Feeling kasi ng singer-actress may mga taong “nagtatraydor” sa kanya habang naka-stay at home pa rin dahil sa lockdown.
Aniya, sunud-sunod ang pagpapadala sa kanya ng mga pagkain na mahirap tanggihan lalo na ngayong nasa bahay lang siya at walang masyadong pinagkakaabalahang trabaho.
“Kasi parang puro kayo, Ms. Lovi puwede ba akong magpadala ng ube pandesal?
“Ms. Lovi puwede ba akong magpadala ng cookies? Ms. Lovi puwede ba ako magpadala ng cake?” caption ng aktres sa kanyang Instagram post
Sabi pa ni Lovi, bukod sa mga online sellers, nagpapadala rin daw sa kanya ng mga nakatatakam na pagkain pati ang kanyang pinsan at ilang kaibigan.
“Tapos ‘yung pinsan ko, girl padalhan kita ng binagoongan. Tapos ngayon naman ‘yung friend ko, girl do you eat banana bread?” aniya pa.
Dagdag pa ni Lovi, “Kahit natuklasan niyo na ang weakness ko, salamat ng marami pa rin! Kasi…yes nakakataba ng puso kahit pa nakakataba ng tyan!”
* * *
Sa pangalawang run ng “Bayanihan Musikahan” ng GMA Network, tampok ang Kapuso couple na sina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Drama King Dennis Trillo.
Para magbigay uli ng saya sa mga online viewers, live na live sa Facebook page ng “Bayanihan Musikahan” ang dalawa ngayong Huwebes, 8 p.m..
Magsisilbi rin itong fundraising event para sa mga urban poor families na apektado ng COVID-19 crisis.
Katuwang ng GMA ang Philippine Business for Social Progress, Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid, Likhaan, at Caritas Manila sa event na ito.
Maaaring mag-donate ang mga manonood sa pamamagitan ng bank transfers at iba pang virtual wallets. Huwag palalampasin ang pagkakataong makatulong at mag-enjoy sa performances na inihanda ng DenJen!