UMAKYAT sa 2,455 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs nadagdagan ng 24 bilang ngayong araw.
Siyam naman ang nadagdag sa mga gumaling na ngayon ay 858 na ang kabuuang bilang.
Ang mga nasawi naman ay 284 na matapos madagdagan ng apat.
“Despite the decrease in the daily rate of recoveries reported by the DFA through its Foreign Service Posts today, the total number of overseas Filipinos who recovered from COVID-19 at 858 cases is now three times more than the total fatalities at 284 and comprises almost 35% of the total confirmed cases,” saad ng DFA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.