Magnitude 4.5 lindol yumanig sa Sarangani

NIYANIG ng magnitude 4.5 lindol ang Sarangani kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naramdaman ang lindol alas-3:38 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay 35 kilometro sa kanluran ng Gian. May lalim itong 21 kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity I na paggalaw sa Alabel at Malungon sa Sarangani at General Santos City.

Read more...