B-day wish ni Sylvia alay para sa madlang pipol, ABS-CBN

 

PAJAMA party ang theme ng 49th birthday ni Sylvia Sanchez kahapon kung saan nakasana niya ang mga anak na sina Arjo, Ria, Gela at Xavi. Naki-join din ang kanilang mga “angels” sa bahay.

Taun-taon ay nagdiriwang ng kaarawan si Ibyang kasama ang malalapit na kaibigan at mahal sa buhay pero dahil sa COVID-19 pandemic ay bawal muna ang pagtitipon dahil sa ipinatutupad na lockdown.

Hindi rin ina-allow na tumanggap ng bisita ang pamilya lalo’t ilang buwan pa lang gumagaling ang mag-asawang Sylvia at Art Atayde.

Sa video post ni Ibyang sa kanyang social media accounts ay makikitang kinantahan siya ng mga anak niya ng “Happy Birthday” with matching cakes at balloons.

Caption ni Ibyang sa kanyang post, “So grateful I was still blessed enough to celebrate my life today. Although the situation we are (in) isn’t ideal, I know that there is hope and light at the end of the tunnel. 

“Just have faith. Thank you to everyone who sent their love and light towards me today. Through these trying times, I wish all of you safety and good health. Happy Quarantine birthday to me!” 

Samantala, ang isa pa sa mga wish ni Ibyang pati na rin ng lahat ng nagmamahal sa kanya ay makabalik na sana ang ABS-CBN sa ere.

Ito naman ang birthday message ni Ria sa kanyang nanay, “I’ll love you forever. I’ll like you for always (even if we fight sometimes). 

“As long as I’m living, your baby I’ll be. (Because that’s what my birth certificate says. Jk hahaha) May your second shot at life be even more colourful (but less stressful) than your first!” 

Read more...