Tanod nahulihan ng P1M shabu

KALABOSO ang 47-anyos na barangay tanod na nahulihan umano ng P1 milyong halaga ng shabu sa Quezon City kaninang umaga.

Ang suspek na si Teng Macalbog, 47, ay barangay tano sa Brgy. Maharlika, Taguig City.

Nagsagawa umano ng operasyon ng pulisya laban sa suspek alas-5:20 ng umaga sa Katipunan Ave. Brgy. UP Campus.

Nakabili umano ang poseur buyer ng P300,000 halaga ng shabu sa suspek.

Nang mahuli ay nakuhanan pa umano ito ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.020 milyon.

Samantala, nahuli naman sina Val Andrian Tating, 32, at Ambrosio Esperocho, 41, alas-9 kgabi sa San Roque st., Brgy. Holy Spirit.

Nakabili umano ang poseur buyer ng P10,000 sa mga suspek. Nang maaresto ay nakuhanan pa umano sila ng 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Read more...