4 huli sa buy-bust

Arrested

ARESTADO ang apat katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Quezon City kagabi.

Nakuhanan umano ng P170,000 halaga ng shabu sina Jordan Velustria, 23, at Dilmora Balber, 51, mga residente ng Brgy. Pasong Tamo.

Isang poseur buyer ang nakabili umano ng P10,000 halaga ng shabu sa mga suspek alas-9:40 kagabi sa Quirino st., Area 1B, Brgy. Pasong Tamo.

Nang maaresto ang mga suspek nasamsam pa umano sa kanila ang 25 gramo ng shabu.

Samantala, naaresto naman ng Fairview Police si Brian Maquiring, 19, alas-9 ng gabi sa Jose Abad st., Brgy. Sta. Lucia. Nasamsam umano sa kanya ang pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,000 at 15 gramo ng kush na nagkakahalaga ng P22,200.

Nahuli naman ng Cubao Police si Angelo Magbilang, 28, ng Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, Cubao, alas-11 ng gabi at narekober umano sa kanya ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000.

Read more...