HINILING ni Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu sa gobyerno na magsagawa ng pilot testing ng National Identification System sa Mindanao.
“If President Duterte would allow it, I would like to offer the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) as well as Region 12, as pilot areas for the application of the national ID system,” ani Mangudadatu.
Naniniwala si Mangudadatu na maiiwasan ang palakasin system at inequality sa pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno gaya nang nangyari umano sa pamamahagi ng coronavirus disease 2019.
May mga opisyal umano na ginamit ang SAP bilang “carrot-sticks” sa mga mahihirap na pamilya.
“Nakakalungkot na sa gitna ng kahirapang dinadanas ng ating mga kababayan, meron pa ring ilang opisyal ng pamahaalan na ginagamit ang mga programa ng gobyerno para sa pansarili nilang ambisyon at kapakinabangan. Tandaan natin na ang mga programang pantawid gaya ng SAP ay mula sa gobyerno at hindi mula sa personal na bulsa ng mga opisyal ng bayan,” saad ng Mangudadatu.
Ngayong taon ay target ng Philippine Statistics Authority na makapagparehistro ng 5 milyon pamilya sa ilalim ng National ID.
“I also believe that if the national ID is realized, it can help curb election fraud and in the identification of criminals because the personal information provided will be digitized and centralized kaya po ito na ang tamang panahon para maipatupad na ang national ID.”