IPINAGBABAWAL ang pagbibiro tungkol sa coronavirus disease o COVID-19 sa Valenzuela City matapos pirmahan ang isang ordinansa ukol dito.
Sa ilalim ng Ordinance 708 o ‘Bawal Ang COVID-19 Jokes’ ordinance, ipinagbabawal ang pag-gamit ng COVID-19 sa katatawanan.
Sakop nito ang pag-gamit ng COVID-19 bilang biro sa mga personal na usapan, liham, telepono, e-mail at social media.
Kasama rin dito ang pagpapanggap na may COVID-19 o pag-aakusa sa ibang tao na may sakit nito.
Papatawan ng hindi hihigit sa P5,000 multa at community service o isang buwang pagkakakulong ang lalabag dito.
Sa mga lalabag naman na menor de edad, sila ay kailangan sumailalim sa Intervention Program ng City Social Welfare and Development Office.
MOST READ
LATEST STORIES