NANINDIGAN si Francis Leo Marcos na Wala siyang ginawang masama at iginiit na gusto lang niyang makatulong.
ito ang inihayag ni Marcos matapos arestuhin ng National Bureau of Investigation dahil sa kasong isinampa laban sa kanya sa Baguio City.
Si Marcos ang nasa likod na nag-viral na Mayaman challenge sa social media.
Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong kinakaharap nito sa Baguio City dahil sa paglabag sa Optometry law (RA 8050), ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Atty. Victor Lorenzo.
Inireklamo si Marcos ng Optometrist Association of the Philippines.
Inaalam pa ng NBI kung mayroong pang ibang nakabinbing kasi si Marcos o Norman Mangusin sa tunay na buhay.
“Basta kumita po ako, nagbibigay ako ng optimum eye care program sa ating mga kababayan sa Luzon, Visayas, Mindanao, nakarating na po ako ng Maguindanao nakarating na ako ng Cagayan, dulo ng Pilipinas. Ako po, wala po akong walang ginawang hindi maganda puro pagtulong lang ho sa ating mamamayan isa lang ko ang tinitignan ko dito na talagang may tinamaan sa Mayaman challenge ko at gusto po talaga akong pabagsakin,” ani Marcos sa panayam.
Sumikat si Marcos sa social media dahil sa paghamon nito sa mga mayayaman na magbigay ng tulong sa mga nangangailangang sa panahon ng COVID pandemic.
Una niyang hinamon ang kanyang mga kapitbahay sa isang mamahaling subdivision sa Quezon City.