Gabby kamukha na ni Wolverine sa ECQ look; Janine baliw na baliw sa CLOY

TINAWAG na “Wolverine” ng Pilipinas ang Kapuso veteran actor na si Gabby Concepcion.

Ito’y matapos mag-post sa kanyang Instagram account ang tatay ni KC Concepcion ng kanyang topless quarantine look. 

Ibinandera ni Gabby sa social media ang pinaghirapan niyang hunky body na produkto ng pagwo-workout simula noong ipatupad ang enhanced community quarantine.

Nilagyan ni Gabby ng caption ang kanyang IG post ng, “Working out is a way to keep my mind and body busy during this lockdown period of uncertainty. What are you doing to stay healthy during these times? Let me know!”

Pinusuan at ni-like naman ito ng napakaraming netizens kabilang na ng mga kapwa niya celebrities tulad nina Paolo Ballesteros, Randy Santiago at marami pang iba.

Ayon sa mga netizens, kahit may edad na ay yummy, delicious at papable pa rin ang ex-husband ni Sharon Cuneta. 

Marami rin ang nagkomento  na malaki ang pagkakahawig niya sa Hollywood superstar na si Hugh Jackman, ang gumanap na Wolverine sa X-Men movies.

Simula nang ma-lockdown ang Luzon dahil sa COVID-19, sa Lobo, Batangas na nanirahan si Gabby ma aminadong enjoy na enjoy sa promdi life.

* * *

Sa pagtatapos ng modified enhanced community quarantine, looking forward si Kapuso star Janine Gutierrez na makapag-travel muli at isa raw sa mga bansang nais nitong puntahan ay Switzerland. 

Gusto ni Janine na balikan ang naturang bansa upang personal na mapuntahan ang mga lugar na pinagsyutingan ng kinababaliwan niyang South Korean drama series na Crash Landing On You. 

“I wanna go back to Switzerland, kung saan nagkita si Captain Ri saka si Yoon Se Ri. Gusto kong pumunta doon,” ani Janine. 

Bukod sa Switzerland, nais din daw niyang bumisita sa Croatia at sa Amerika, partikular sa Los Angeles kung saan mayroon siyang mga kamag-anak. 

Samantala, aktibo rin si Janine sa pagpapaabot ng tulong sa mga higit na apektado ng COVID-19 pandemic at sa katunayan ay naglunsad ito ng fundraiser kasama ang kanyang mga kapatid habang naka-quarantine.

 Sabi ni Janine, responsibilidad daw ng mga artista na maging sensitibo sa panahong ito. 

Read more...