ARESTADO ang dalawa katao na nagbebenta umano ng testing kit para sa coronavirus disease 2019.
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Shanon April Mejia Alegre at Esseline Raisa Sy Ong sa isang entrapment operation noong Mayo 14. Kanina inilabas ng NBI sa media ang impormasyon kaugnay sa pagkakaaresto ng dalawa.
Nakatanggap ng impormasyon ang NBI kaugnay ng pagbebenta umano ng COVID-19 test kit ng mga suspek na ipinagbabawal ng batas.
Ayon sa Food and Drugs Administration (FDA) Advisory Nos. 2020-497 at 498 ang lahat ng lisensyadong importer/distributors ng COVID-19 test kits ay magbebenta lamang sa medical professionals at mabibili lamang sa publiko kung makakakuha ng resita ang mga ito.
Ipinagbabawal din ng FDA ang online selling ng mga test kits.
Nakabili umano ang poseur buyer ng 200 kahon ng test kit sa halagang P12,000 kada isang kahon o kabuuang P2.4 milyon.
Pinapunta ang poseur buyer sa ibang bahay sa BF Homes, Parañaque City.
Nasamsam sa mga suspek ang kahon-kahong Wondfo SARS-COV-2 Antibody Test (Lateral Flow Method).
Wala umanong naipakitang License-to-Operate ang mga suspek para legal na makapagbenta ng mga kits.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.