INANUNSYO ni Presidential Security Group commander Col. Jesus Durante III na 161 sa kanyang mga tauhan ay nagpositibo sa Covid-19 makaraang sumailalim sa rapid test.
“A total of 160 [PSG members] were quarantined but were mostly released after 14 days of no symptoms and tested negative with RDT (rapid diagnostic test) and PCR (polymerase chain reaction) tests,” aniya.
Pero isa sa mga ito ang nagpositibo sa PCR test, ani Durante.
Agad namang idinagdag ng opisyal na walang exposure ang nasabing miyembro ng PSG kay Pangulong Duterte.
“No exposure with PRRD [President Duterte]. Does not belong with close-in security detail. So far 90 have been tested by PCR,” aniya.
Dumating si Duterte sa Maynila kahapon makaraang umuwi ng Davao City noong weekend para bumisita sa pamilya.