Francis Leo Marcos inaresto ng NBI

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation si Francis Leo Marcos na nasa likod ng nag-viral na Mayaman challenge sa social media.

Si Marcos ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong kinakaharap nito sa Baguio City dahil sa paglabag sa Optometry law (RA 8050), ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Atty. Victor Lorenzo.

Inireklamo umano si Marcos ng Optometrist Association of the Philippines.

Inaalam pa ng NBI kung mayroong pang ibang nakabinbing kaso si Marcos.

Sumikat si Marcos sa social media dahil sa paghamon nito sa mga mayayaman na magbigay ng tulong sa mga nangangailangang sa panahon ng COVID pandemic.

Una niyang hinamon ang kanyang mga kapitbahay sa isang mamahaling subdivision sa Quezon City.

Read more...