Kapalpakan nina Kim Chiu at Michael Fajatin pinagtripan ni Igan: Botohan tayo! 

ANO kaya ang gustong patunayan ni  Arnold Clavio when he posted videos  of Kapuso reporter Michael Fajatin and Kapamilya actress Kim Chiu?

Kuha ang video sa report ni Michael kung saan inihayag niya ang mga kaganapan sa isang rally na na-disperse na.  

May kalituhan  ang pagre-report ni  Michael sa nasabing video dahil paulit-ulit ang kanyang mga salitang ginamit.  

Sa video naman ni Kim which has since become viral ay ginamit ng aktres ang classroom bilang  example sa  kanyang kagustuhan na i-prove ang isang point sa issue ng  ABS-CBN shutdown.

Clearly, parehong nakakalito ang  mga pinagsasabi  nina Kim at Michael kaya feeling ng netizens ay aliw ang mga ito.

But Arnold wants to know kung sino sa dalawa ang may mas malinaw na pahayag.

Pitting the two together, ito ang caption ni Arnold: “Botohan tayo mga ‘iGan… Sino sa dalawa ang pinaka-malinaw? A or B ? Game!!! Nais kong pasalamatan si Michael Fajatin sa pagpayag niya na i-post ko ito, para sumaya ang mga naka-lockdown. Bok !!! @mariajolina_ig.”

Arnold’s posting of the video leaves a bad taste in the mouth. One, Kapuso siya at  Kapamilya naman si Kim Chiu.  

Two, pareho silang Kapuso ni Michael Fajatin.  Posting a video  which clearly show Michael’s kapalpakan as a reporter ay hindi magandang tingnan. Buti na lang ay sport lang Michael at okay lang sa kanya na i-post ni Arnold ang kanyang video.

Three, Arnold clearly drives home a point – na may mga kapalpakan talaga ang mga tao.

Will Arnold be happy kung ang kanyang kapalpakan naman ang gamitin sa social media?  How would he feel kaya kung sa kanya naman gawin ang ginawa niya?

Any comment, Arnold?

Read more...