NAGBIGAY ng babala si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa mga establishmento na huwag bigyan ng serbisyo ang mga customer na walang mask.
“Please do not serve them. Do not force me to close your establishment.” ani Romualdez.
Ito ay parte ng kaniyang babala sa mga taga-Tacloban na parating magsuot ng mask matapos mapansin na karamihan sa mga tao sa kalye ay lumalabas ng kanilang mga bahay ng walang mask.
Noong April, nagpasa ng ordinansa ang Tacloban City kung saan required ang lahat ng nasa pampublikong lugar na magsuot ng face mask.
Isang fine na mula P1,000 hanggang P3,000 at community service ang maaaring maging parusa sa mga lalabag.
“If a person infected with coronavirus managed to enter the city, there will be no local transmission as long as you wear your face masks.” ani mayor.
Ang Tacloban ay nanatiling coronavirus free hanggang ngayon.