PANAHON na umano upang usisain ang mga alegasyon laban sa ABS-CBN para malaman kung sapat itong basehan upang hindi na i-renew ang 25-taong prangkisa nito.
“This is exactly what our intention is when Deputy Speaker Paolo Duterte, (Tagaytay) Cong. Bambol tTolentino, and I filed House Resolution 853,” ani ACT-CIS Rep. Eric Yap.
Iginiit naman ni Yap na ang HR 853 ay hindi inihain upang i-persecute ang ABS-CBN.
“Ipinapaabot namin ni Deputy Speaker Duterte ang aming pasasalamat sa aming mga kasamahan sa pakikinig at pagbibigay halaga sa nais naming mangyari noong tayo ay nag-file ng HR 853 na silipin kung totoong nagkaroon ng violations ang ABS-CBN sa kanilang prangkisa. House Resolution 853 does not intend to persecute ABS-CBN or anyone but rather, we would like to see all cards lying on the table in order for us to make a fact-based decision whether we give them a new franchise or not.”
Ang ABS-CBN ay inaakusahan ng iligal na pagsibak sa mga empleyado nito. Mayroon ding alegasyon na ang may-ari nito na si Gabby Lopez ay isang American citizen na hindi pinapayagan na mag may-ari ng media. Inaakusahan din ang Channel 2 nang hindi pagiging patas sa pag-uulat nito at pagtulong sa mga pinapaborang politiko.
“…..it is only fair for everybody to hear these. Ilatag natin lahat ng katotohanan at sabay-sabay nating sagutin kung nararapat bang bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN o hindi.”
“I think the most appropriate thing to do is to hear them in the committee on legislative franchises and come up with a decision based on facts that we have on hand and on other information that we may gather in the course of the proceedings.”