Meralco pwedeng managot sa mataas na singil kung…

Meralco

MAAARI umanong mapanagot ang Manila Electric Company kung hindi nito maipapaliwanag nang maayos ang biglaang pagtaas ng bayarin ng mga kustomer nito.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera dapat tingnan ng Energy Regulatory Commission ang batayan ng paniningil ng Meralco.

“Meralco should be made to explain why it is not guilty of violating the Bayanihan to Heal as One Act (RA 11469) following the surge in the electricity bills of its customers while the country is under a state of public health emergency and millions suffer from the economic fallout of lockdown measures to contain the spread of COVID-19,” ani Herrera.

Sinabi ni Herrera, isa sa mga may-akda ng RA 11569, na mayroong kapangyarihan si Pangulong Duterte na gumamit ng “temporary emergency measures” upang tumugon sa pangangailangan laban sa COVID-19 crisis.

“The law empowers the President to enforce measures to protect people from hoarding, profiteering, manipulating prices, or other practices affecting the supply and distribution of essential goods and services, including electricity,” dagdag pa ng lady solon.

Ayon sa Meralco ang siningil noong Marso at Abril ay ang average na bill ng kustomer sa nakalipas na tatlong buwan.

Maaaring mas malaki umano ang nakonsumo ng kustomer sa mga panahong ito at lumabas ito sa reading ng metro na ginawa noong Mayo.

Ang Meralco ay mayroong programa para mabayaran ng hulugan ang singil para hindi mabigatan ang kanilang mga kustomer.

Read more...