Hindi nakatanggap ng SAP bibigyan ng provincial government

SAP

INAPRUBAHAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Eastern Samar ang paglalaan ng P60 milyon para mabigyan ng tulong pinansyal ang may 30,000 pamilya na hindi nabigyan ng ayuda mula sa Social Amelioration Program ng national government.

Ayon kay Gov. Ben Evardone hiniling nito sa SP na maglaan ng pondo para matulungan ang mga pamilya na walang SAP.

“Each household will receive 2,000 pesos. Also excluded are beneficiaries of 4Ps, TUPAD, and SURE Aid,” ani Evardone.

Ang mga Barangay Health Workers at Barangay Tanods na makatatanggap ng P1,500 ay daragdagan ng P500 para maging P2,000 rin ang kabuuang tulong na kanilang makukuha.

“The Barangay Nutrition Scholars who will also be P1,200, will also receive an additional P800, or a total of P2,000.”

Read more...