POSIBLENG maideklara na ang pagsisimula ng tag-ulan sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration inaasahan na ang mga pag-ulan sa mga susunod na araw.
Nasa transition period na umano ang panahon ng bansa papunta sa Hanging Habagat.
“The country is still in the warm and dry season but the occurrence of sudden but short-lived rains or thunderstorms is a manifestation that the country is about to transition to the southwest monsoon season, locally called habagat,” ani PAGASA weather specialist Loriedin dela Cruz.
Noong nakaraang taon, idineklara ang opisyal na pagsisimula ng tag-ulan ng Hunyo 14, 2019.
MOST READ
LATEST STORIES