LUNES ng hapon, nagpulong sa plenaryo ang Kamara para sa dapat na ikatlong pagbasa (third reading) ng House Bill No. 6732 o yung mas kakilala sa ABS-CBN franchise bill.
Ayon sa Constitution, sa pangatlong pagbasa(third reading) ng panukalang batas, wala ng pakikinggan o magaganap na debate, tanungan(interpellation) o pagsusog (amendments). Ang mga kongresista ay dapat na lang magbotohan kung ang panukalang batas ay ipapasa o ibabasura.
Noong nakaraangMiyerkules, binasa at inaprubahan ng Kamara sa una at pangalawang pagbasa (first and second readings) ang House Bill No. 6732. Ang pagbasa pag-apruba ng nasabing panukalang batas ay hindi naaayon sa proseso at patakaran na itinakda ng Constitution. Malinaw ang Constitution na ang lahat ng panukalang batas, gaya ng House Bill No. 6732 (ABS-CBN franchise bill), na ipapasa ngKongreso ay dapat basahin at aprubahan sa magkahiwalay na tatlong araw.
Dahil sa nasabing kaganapan noong Miyerkules, marami ang kumuwestyon sa liderato ng Kamara at hiniling ng mga ito na ibalikang House Bill No. 6732 sa plenaryo upang dinggin ulit sa pangalawang pagbasa (second reading). Ito ay para maremedyohan ang pagkakamali na nangyari noong Miyerkules at para tumupad sa proseso at patakaran na itinakdang Constitution.
Matapos ang debate, pumayag ang Kamara muli itong isalang sa second reading.
Kaya ang dapat na pangatlong pagbasa (third reading) ngayon ng House Bill No. 6732 sa plenary ay hindi naganap. Ang nasaksihan ng sambayanan ay debate, tanungan (interpellation) at pagsusog (amendments) ng House Bill No.6732 na parte at sakop ng pangalawang pagbasa(second reading).
Sa ginawa ng Kamara, naalis, nawala at naremedyohan na nito ang mga pagkakamali at paglabag sa Article 6, Section 26 (2) Constitution.
Ito ay tamang aksyon sa parte ng Kamara dahil nawala na ang mga tanong at agam-agam na nating mangyari kung sakaling ito ay maaprobahan ng Kongreso.