State of calamity idineklara sa mga bayan ng E.Samar

NAGDEKLARA na ng state of calamity sa ilang bayan sa lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon kay Gov. Ben Evardone inaprubahan kanina ng provincial board ng Eastern Samar ang resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity sa mga bayan ng Arteche, San Policarpo, Jipapad l, Oras, Maslog, Dolores, Can-avid, Taft at Sulat.

Ang mga bayang ito ay nagtamo ng malaking pinsala mula sa pananasala ng bagyong Ambo.

Sinabi ni Evardone na umabot sa P58 milyon ang pinsala sa imprastraktura at P912.6 milyon ang agricultural sector ng probinsya.

Umabot umano sa 34,235 pamilya ang apektado at 15,282 ang nasa mga evacuation centers.

Read more...