ARESTADO ang dalawang lalaki na nakuhanan umano ng P1.1 milyong halaga ng shabu sa Quezon City kagabi.
Sina Mark Sandig, 24, ng Upper Bicutan, Taguig City at Joreen Rodriguez, 32, ng Parañaque City, ay nabilihan umano ng P80,000 halaga ng shabu ng isang poseur buyer.
Nang mahuli ay nakuha pa umano sa kanila ang P1.1 milyong halaga ng shabu.
Naaresto ang dalawa alas-11:45 ng gabi sa tapat ng SM North EDSA sa Brgy. Bagong Pag-asa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending