NAKIUSAP si Mayor Nelson Legacion ng Naga na payagan ang backride sa motorsiklo kung ang kasama naman ay kamag-anak, asawa o anak ng driver.
Sa isang sulat noong May 15, makakatulong daw ito sa pag-commute papasok ng trabaho.
Ayon pa sa sulat, walang panganib ng paghawa sa coronavirus sa mga magkapamilya dahil inaasahang sila ay nagpapatupad ng social distancing sa kani-kanilang mga bahay.
Dagdag pa ni Legacion, ang pagpayag sa asawa o anak sa backride ay isang “viable alternative for transporting them from home to work, vice versa.”
Kung papayagan, iminungkahi ni Legacion ang pagpapakita ng marriage certificate o birth certificate sa mga local officials na maaaring magbigay sa kanila ng pass para hayaang mag-backride ang kanilang asawa o anak.
Ayon sa utos ng Department of Transportation, pinagbabawal ang dalawang sakay sa mga motorsiklo