2 Covid-19 patients na tumakas, natunton na

NATAGPUAN na ang overseas Filipino workers na tumakas umano mula sa quarantine facility kahit positibo sa Covid-19.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration administrator Hans Leo Cacdac, “under control” na ang sitwasyon at muli nang na-isolate ang mga pasyente.

Hindi naman niya pinangalanan ang dalawang OFW.

“Ang sitwasyon ay under control. ‘Yung naiulat kahapon ay dalawang kaso at kakatapos lang po ng pagpupulong namin diyan at malinaw naman po na na-locate ‘yung dalawang naunang naiulat na tumakas. Na-trace naman po at na-locate,” ani Cacdac sa panayam ng dzBB.

Itinanggi rin niya na tumakas ang dalawa. “The situation is under control at na-isolate na ‘yung pinuntahan,” dagdag ng opisyal.

Read more...