KINASUHAN ngayong araw ang 23 opisyal ng barangay na idinidiin sa maanomalyang pamamahagi ng cash aid mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.
Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, ang mismong PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang nagsampa ng mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Bayanihan to Heal As One Act sa Department of Justice laban sa mga opisyal.
Ani Año, kabilang sa listahan ng mga inasunto ang mga chairman, kagawad, secretary, purok leader, at social worker.
Itinuturo ang mga ito na nagmanipula ng master list ng makakakuha ng cash aid, paghahati-hati sa subsidiya, at pagkuha ng tara sa mga benepisyaryo.
Hindi naman kinilala ni Año ang mga kinasuhang barangay officials.
MOST READ
LATEST STORIES