Birthday boy Sinas di sisibakin, mahirap siyang palitan–PNP chief

HINDI tatanggalin sa puwesto si Metro Manila police chief Major Gen. Debold Sinas dahil mahirap umano siyang palitan dahil sa kanyang mga programa kontra Covid-19, Ani Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa.

Mananatili sa posisyon si Sinas kahit pa sinampahan siya at 18 iba pang pulis ng PNP Internal Affairs Service (IAS) dahil sa paglabag sa quarantine protocols noong Mayo 8.

“Yes, I hope public would understand. Kasi nandito tayo sa ganito nga, emergency situation. Pag palitan mo siya, we will never know. Napakahirap palitan dahil ang dami niyang programa in terms, in relation sa COVID,” ani Gamboa sa panayam sa dzMM.

Maliban dito, sinabi ni Gamboa na si Sinas ang responsible sa pagkawala ng illegal gambling sa Metro Manila.

“Yes, there are still a lot. Meron kaming campaign against illegal drugs and alam naman natin na nung umupo siyang NCRPO, huminto talaga yung illegal gambling sa National Capital Region,” dagdag ni Gamboa.

Read more...