Hontiveros inihirit mass testing sa mga balik-trabaho: Bakit sa POGO nagawa, bakit hindi sa mga Pilipino?

NAIS magkaroon ng mass testing ni Senator Risa Hontiveros para sa mga empleyadong babalik sa trabaho.

Aniya, kung nagawa para sa mga Philippine offshore gaming operators (POGO) bakit hindi ito gawin sa iba pang nagtratrabaho.

“We need to test workers returning to work. This needs to be arranged by employers & DOH. We can’t ease quarantine if we‘re not doing mass testing. Na-commit nga natin sa POGO, ba’t hindi sa mga Pilipino? Marami sa mga kaso walang sintomas.  We cannot afford a ‘second wave.’” ani Hontiveros

Pinayagan ng gobyerno ang POGO na mag-operate ‘partially’ sa ilalim ng IATF Resolution 30 magsimula ang Mayo pero nirequire nila ang lahat ng empleyadong magbabalik sa trabaho na ma-test para sa coronavirus.

 

 

 

Read more...