Mega quarantine facility itatayo sa Laguna

GAGAWING temporary heath facility para sa coronavirus disease 2019 ang sports arena sa Biñan, Laguna.

Ang Alonte Sports Arena ang magsisilbing mega quarantine facility ng probinsya na patuloy na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine.

Binisita na ng National Task Force COVID-19, at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lugar upang maplano ang pagtatayo rito ng pasilidad.

Ngayong linggo itinakda ang pagsisimula ng paggawa at sa susunod na pitong araw ay inaasahan na matatapos na ito.

Ito ang ika-10 mega quarantine facility sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One program.

Read more...