Baby ni Anne nag-iiyak matapos basahan ng libro: She’s becoming so daldal

PAMPA-GOOD vibes ngayon ng mga netizens ang bagong paandar video ng baby nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Ipinost ng singer-actress sa kanyang Instagram account ang nakaaaliw na video ni Baby Dahlia na nakahiga sa isang sofa habang binabasahan niya ng libro.

Makikita sa isang bahagi ng video na talagang nakikinig ang sanggol sa kanyang Mommy Anne at tila  interesado talaga ito sa nakikita niyang libro.

At ang nakatutuwang eksena nga ay nang matapos nang basahin ni Anne ang libro at isara na ito biglang umiyak si Baby Dahlia.

Kaya naman ang inilagay na caption ni Anne sa IG video nila ng anak ay, “We seem to have found a book she loves. She’s becoming so daldal.

“I have a feeling she’s going to be a book lover and bookworm like her mama. Wait ’til the end. She wasn’t too happy na tapos na,” dagdag pa ni Anne.

Pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens ang bonding moments ng mag-ina. Sandamakmak ding comments ang nakuha ng post ni Anne kabilang na ang mga mensahe mula sa ilang celebrities tulad nina Sharon Cuneta, Rico Blanco, Jackie Forster, Bubble Paraiso at marami pang iba.

Ito naman ang birong comment ng  kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis, “She’s the one reading too daw!!!”

Kamakailan, ipinasyal naman nina Anne at Erwan si ang anak sa the Tan Track sa Melbourne, Australia kung saan sila nag-picnic.

Nag-post si Erwan ng litrato nila ni Baby Dahlia sa IG at nilagyan ng caption na, “Taking advantage of the sunny weather breaking into this cold month.

“For Dahlia’s first picnic, we had some crackers and cheese. She just had some good old fashioned breast milk.”

Read more...